Anak ni Aiko Melendez crush si Maja Salvador

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 12:19 PM

MANILA – Hindi matatawaran ang husay ng aktres na si Aiko Melendez na markado sa kanyang papel ngayon bilang Emilia Ardiente-Torillo sa top-rating teleserye na "Wildflower.”

Kuwento ni Aiko, pinagsabihan niya ang isang kabataan na idolo ang kanyang papel bilang kontrabida.

"Emilia and Gov na ang tawag sa akin talaga and surprisingly sinusundo ko ang daughter ko and then may mga kids na nagpa-picture sa akin, ang sabi sa akin 'You know when I grow up, I want to be like Emilia.' Sabi ko 'No, please. Emilia is bad.' Ang sagot sa akin, 'No we like you, the way you talk. You're maarte and you're sosyal.' Sa loob-loob ko, nakaka-tense ang mga batang ito," kuwento niya.

Todo puri din si Aiko kay Maja Salvador na bida sa "Wildflower.” Natural na raw ang kanilang chemistry sa mga eksena at sinusuportahan ang isa’t isa kaya’t magandang lumalabas ang mga eksena.

"You know one thing I like about Maja, ang tawag ko nga diyan baby girl. Isang tinginan lang namin, alam na namin kung paano mag-adlib. Isang tinginan lang namin, alam na kung paano i-arte ang mga eksena so I'm really blessed to be working with someone na kapag eksna niya, ibibigay ko at kapag eksena ko, ibibigay niya. Kaya mahal ko si Maja."

Rebelasyon pa ni Aiko, may matinding crush ang kanyang panganay na anak na si Andre Yllana kay Maja na kailan niya lang nalaman.

"Actually si Tita Maja niya crush niya. Hindi ko nga alam. Hindi niya sinasabi sa akin. Kaya pala noong pinapadalaw ko siya noon sa set ng ‘Wildflower,’ sabi niya, 'No mom, I'm shy.' Iyon pala he said in an interview in one magazine, he really looks up to Maja."

Hataw sa kanyang career ngayon si Aiko at kung personal na buhay ang pag-uusapan, bokya ngayon ang kanyang status na hindi niya ikinakahiya

"Alam mo, hindi ko pinagpe-pray iyan lately. Ang lagi kong pinagpe-pray, ang family ko at yung mga anak ko. Sila lagi and 'yung work ko,” aniya.

Dahil sa mataas na ratings, magkakaroon ng book three ang "Wildflower" na dapat abangan ng manonood.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.