Sam Milby masaya sa bagong pag-ibig

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2016 11:26 AM

Masaya ngayon ang personal na buhay ni Sam Milby at 'di niya naman itinatago na girlfriend niya, ang modelo na si Mari Jasmine.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit bihira silang makita na magkasama sa mga showbiz events at gatherings.

"She's a very private person and even before, sinabi niya na ayaw niyang maging public ang relationship namin. But kahit ako, ayaw ko masyadong maging public ang relationship namin," ani Sam.

Si Sam ang leading man ngayon ni Angel Locsin sa pelikulang "The Third Party."

Todo iwas si Sam nang matanong kung apektado pa rin ba si Angel sa recent break-up nito kay Luis Manzano.

Basta't nakatuon daw ang pansin ni Angel sa kanilang mga eksena.

"Pagdating sa topic na 'yan, we don't really talk about it, so I don't want to give a comment or anything... She's very concentrated sa work ngayon," ani Sam.

Sa telebisyon, araw-araw mapapanood si Sam sa top-rating afternoon serye na "Doble Kara" na isang taon na ngayon sa ere.

Nagpapasalamat si Sam at nakasama siya sa magandang proyekto na pinagbibidahan ni Julia Montes.

"We're very, very thankful it's doing so well. Hanggang ngayon, sobrang taas ng ratings namin kaya kami nag-i-extend," ani Sam.

Dahil marami ang regular viewers ng "Doble Kara," extended na muli ang kuwento nito na dapat tutukan araw-araw.