Bamboo, Noel Cabangon, magsasama sa isang benefit concert

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 11:56 AM

Isang benefit concert na pinamagatang "Kaya Natin 'To" ang pagbibidahan ng singer-composer na si Noel Cabangon at iba pang OPM artists na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

"Itong gagawin namin sa August 30 is isang benefit show for the children of Resorts World Manila Foundation," ani Noel sa pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes.

Makakasama ni Noel sa nasabing palabas sina Bamboo, Mitoy Yonting at may 50 iba pang artists.
 
Umagang Kay Ganda, Agosto 22, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.