Richard Yap: 'Wala na akong hahanapin pa'

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2016 01:27 PM

MANILA -- Kontento at wala nang hananapin pa ang aktor na si Richard Yap sa kanyang karera at pribadong buhay.

Sa panayam niya sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, inamin ni Richard na masaya siya sa kanyang pamilya at inabot ng kanyang karera.

"I feel contented kung nasaan ako ngayon. I feel blessed sa napagdaanan ko, nakapag-negosyo na ako, nakapag-artista na ako. Ngayon naman kumakanta na din ako," ani Richard.

"I feel that I'm so blessed at wala na akong hananapin na iba pa. My family life, I'm very content with all the love that we have in the family, so 'yun lahat," dagdag ng aktor.

Para kay Richard, ang pagiging matagumpay na lang sa buhay ng kanyang dalawang anak ang kanyang hiling.

Muli ring ibinahagi ni Richard ang kanyang pag-uumpisa sa showbiz.

Nagsimula bilang model sa TV commercials, nakilala si Richard bilang ama ni Kim Chiu sa seryeng "My Binondo Girl."

Mas kinilala si Richard bilang "Ser Chief" sa seryeng "Be Careful With My Heart" kasama si Jodi Sta. Maria.

Napatunayan niya din ang kanyang galing sa pelikula ng mapasama siya sa "The Achy Breaky Hearts" kasama pa din si Jodi at Ian Veneracion.

Sa ngayon ay naghahanda para sa concert na "The Chinito Crooners" si Richard kasama si Richard Poon sa August 26 sa The Theatre sa Solaire.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.