Elha Nympha, muling nagpakitang-gilas sa 'Little Big Shots'

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2017 07:54 PM

Muling nagpakitang gilas ang "The Voice Kids" Season 2 winner Elha Nympha sa "Little Big Shots" nitong Linggo.

Matatandaang una nang nagpakitang gilas si Elha sa "Little Big Shots" sa US nitong Marso.

Ayon kay Elha, naimbitahan siya matapos mapanood ng mga producer ng palabas ang kanyang mga bidyo sa "The Voice Kids."

Dagdag pa niya, naimbitahan rin siyang magperform sa "Little Big Shots" sa Spain.