Aiza, muntik nang magbitiw bilang pinuno ng NYC

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 11:23 AM | Updated as of Aug 17 2017 11:35 AM

 

A post shared by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on

MANILA -- Inamin ni Liza Diño na muntik nang magbitiw sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng National Youth Commission (NYC) ang kanyang asawa na si Aiza Seguerra.

Sa pagbisita ng mag-asawa sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, inamin ni Liza na hindi naging madali ang simula ni Aiza sa gobyerno.

"Tough at first. There was even a point that he wanted to quit," ani Liza na pinuno naman ng Film Development Council of the Philippines.

"Pero nag-start siya ng consultation sa mga kabataan. Nagpunta siya sa communities, nagpunta siya sa mga indigenous (people), I think that's how he realized na parang kailangan siya," ani Liza.

Aminado si Aiza na nahirapan siya sa naging pagbabago sa buhay niya.

"Siguro ang pinakahirap ako sa transition kasi dito sa industriya natin, mabilis tayong gumalaw. Kapag may gusto mangyari, gawa, gawa, gawa. Unlike sa government, ang dami mong kailangang daanan, ay Diyos Mio, grabe," ani Aiza.

Pero sa huli, sinabi ni Aiza na ang pagnanais niya na makatulong ang nagpadali ng lahat. 

"We celebrated our one year yesterday sa public. Siguro hindi kami tatagal kung wala ang puso namin doon. Actually I'm supposed to do an album, and supposed to do two soaps already but I had to say no because of public service," ani Aiza.

Bumisita sa "Magandang Buhay" si Aiza at ang kanyang asawa para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kung saan 12 pelikula ang mapapanood para sa isang linggong selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Parte din ng PPP ang Sine Kabataan, ang 12 pelikula na gawa ng mga kabataan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.