Jamie Rivera, sumulat ng awit para kay Kisses

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 11:21 AM

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

MANILA -- Sumulat si Jamie Rivera ng awitin para kay Kisses Delavin na recording artist na rin.

"I'm so happy that I was able to write a song for Kisses," ani Jamie sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

Para kay Jamie, masaya lumikha ng mga awitin para sa mga batang artista.

"Millennials, they are new blood. So masarap silang katrabaho kasi binibigyan nila ng bagong flavor ang mga kantang sinusulat mo. At saka gustong-gusto ko 'yung nagme-mentor. I've been in the business for 30 years also, kumbaga it's payback time. Kung ano ang natutunan mo gusto mong ituro sa kanila," paliwanag ni Jamie.

Bumisita si Jamie sa "Magandang Buhay" para imbitahan ang mga manonood sa kanyang concert na “Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert” sa Setyembre 8 sa Music Museum.

Makakasama ni Jamie sa nasabing concert sina Jona, Klarisse, Bailey May, at Janella Salvador.