Celebrities, ibinunyag ang kasarian ng kanilang ipinagbubuntis

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 09:10 PM | Updated as of Aug 17 2017 12:05 AM

Wala pa ring palya ang baby boom sa showbiz sa sunod-sunod na anunsiyo ng mga kasarian ng celebrity babies. Narito ang ilang buntis na celebrities na masayang ibinahagi ang kasarian ng kanilang baby:

Ibinunyag ni Bangs Garcia sa isang baby shower na babae ang magiging panganay nila ng British-Pinoy husband na si Lloydi Birchmore.

Ani Garcia, sa London niya isisilang ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Amelia.

Excited ding inanunsiyo ni Albert Martinez ang kasarian ng kaniyang unang apo sa anak na si Alyanna.

"It's a girl! Super lolo!" ani Martinez.

Sa Kapaskuhan naman nakatakdang manganak si Pauleen Luna ng panganay nila ni Vic Sotto.

"A miracle from God so we are very grateful, it's a girl," aniya.

Sinamahan naman ng mga Kapamilya brodkaster si DZMM host Niña Corpuz sa kanyang ABS-CBN parenting book launch na "How to Raise a Superstar".

Pagbunyag ni Corpuz, magkaka-baby boy na siya.

Sa susunod ding buwan, isisilang ni Camille Prats ang kaniyang second baby.

"It's a girl, 'di ako nahirapan this time," aniya. 

Inaantay pa ang rebelasyon ng apat na buwang buntis na si Pokwang sa kasarian ng kanilang baby ng American actor boyfriend na si Lee O'Brien.

Pero ani Pokwang, tila may clue na siya dahil makulit daw ito.

Maugong naman ang bali-balitang may kasunod na umano ang celebrity son nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. 

"Well, you'll never know... I'm full of surprises, and I don't really believe in a timeline na parang kailangan ganito muna, ganito, ganyan. I had a baby before getting married but i knew in my mind na kami ni Chard ang mag-end up together," ani Lahbati.

Nais din umano ni Lahbati na sumali sa La Luna Sangre.

"Kinagat na 'ko! Gusto ko maging bampira," aniya.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.