Tommy, Miho, reunited sa 'La Luna Sangre'

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2017 11:56 AM

Matapos nilang mag-break noong Abril ay muling magkakasama sa trabaho ang tambalang ToMiho.

Sa episode ng "La Luna Sangre" noong nakaraang linggo, ipinakita na si Tommy Esguerra bilang bagong castmember ng serye.

Gaganap bilang bampira si Tommy, tulad ng karakter ni Miho Nishida.

Pero ang tanong, magkakampi kaya ang dalawa? Abangan ang "La Luna Sangre" gabi-gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.