Martin Nievera, may concert para sa mga katutubong Dumagat

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2017 11:42 AM

MANILA -- Isang benefit concert ang gagawin ni Martin Nievera para sa mga katutubong Dumagat.

Sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, inanunsyo ni Martin na ang kanyang concert na "Big Mouth Big Heart Big Night" ay gaganapin sa Metro Tent Convention Center, Pasig City sa Agosto 19.

Makakasama ni Martin sa nasabing concert sina Kakai Bautista at KZ Tandingan.

Sa susunod na buwan, Setyembre 2, nakatakda naman si Martin na mag-concert sa Las Vegas at Hawaii.

Para naman sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Martin ang kanyang pinasikat na "I'll Be There (For You)."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.