TINGNAN: Abs ni Liza Soberano

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 06:16 PM

Sa isang dance number sa "ASAP Live in Toronto" na umere nitong Linggo, pinakita na sa publiko ng bagong Darna ang kaniyang pinaghirapang abs.

Sa suot na itim na crop top na kumumpleto sa kaniyang 'sporty look,' ibinahagi ni Liza Soberano ang naging resulta ng ilang buwang training niya sa gym bilang paghahanda sa role na Darna.

Sineryoso ni Liza Soberano ang kaniyang training simula nang ianunsiyo bilang bagong Darna.

Kaya naman batid sa "Dolce Amore" star ang kasiyahan nang mag-perform ito ng Mobe Dance kasama ang ka-loveteam na si Enrique Gil.

Bukod kina Soberano at Gil, sumayaw rin sa nasabing number ang ilang Kapamilya star tulad nina Enchong Dee, Darren Espanto, Robi Domingo, Joshua Garcia, Julia Barretto at Janella Salvador. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.