Team ni Gerald, nanaig ng 3 points sa team ni Daniel

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 08:10 PM | Updated as of Aug 13 2017 10:38 PM

Wagi ang Blue Team ni Gerald Anderson matapos makalamang ng tatlong puntos sa Red Team ni Daniel Padilla sa katatapos na Star Magic All-Star basketball game sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Naging mainit ang laban lalo pa nang humabol ang koponan ni Daniel sa huling parte ng laro.

Nagkaroon din ng cramps o pamumulikat si Daniel mula sa paglalaro. Gayumpaman, napabilang pa rin si Daniel sa "Mythical 5" ng laro.

Masayang-masaya naman sa pagkapanalo ang koponan ni Gerald.

Bago ang laro, nakapanayam pa si Gerald na nagsabing gusto nilang ipakita sa game ang teamwork nilang magkakaibigang aktor pagdating sa hard court.

Hindi naman magkamayaw ang fans ng dalawang koponan sa pag-cheer sa kani-kanilang pambatong players.

Para naman sa "team bahay" na hindi nakapanood nang live sa game, ipapalabas ang all-star game sa susunod na Linggo, Agosto 20, pagkatapos ng "ASAP." 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.