Unang grand finalists ng 'Tawag ng Tanghalan,' kinilala na

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2017 06:07 PM | Updated as of Aug 12 2017 06:38 PM

MANILA - Sina Jovany Satera at Alfred Relatado ang unang dalawang pumasok sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nakuha ni Relatado ang 74.05% mula sa pinagsamang iskor mula sa mga hurado at text votes ng mga manonood, habang nakuha naman ni Satera ang 95.67% ng kabuuang iskor.

Inawit ni Relatado ang "Kapalaran," samantalang inawit naman ni Satera ang "I'll Always Love You."

Nakapasok si Relatado sa semifinals noong Hunyo. Nitong Hulyo naman nakapasok sa semifinals si Satera.