PANOORIN: SexBomb dancers, nag-reunion sa sorpresang sayaw ni Rochelle para sa asawa

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 06:44 PM

Isang mainit na sorpresa ang inihanda ni Rochelle Pangilinan para sa asawang si Arthur Solinap sa reception ng kanilang kasal Martes ng gabi.

Kakuntiyaba pa ni Pangilinan ang mga dating kasamahan sa dance group na SexBomb, gaya nina Aira Bermudez, Sunshine Garcia, at Aifha Medina.

Sa Instagram post ni Alberto S. Sumaya, Jr. o mas kilala bilang 'Betong,' makikita ang pagsayaw ni Rochelle Pangilinan suot ang isang seksing puting leotard, kasama ang ilang kasamahang nakasuot ng gown, sa saliw ng kantang 'Sex Bomb' ni Tom Jones. 

Sinundan ito ng isa pang dance number ni Pangilinan, kasama ang iba pang SexBomb dancers, sa saliw naman ng kantang 'I'm a Slave 4 U' ni Britney Spears. 

Ikinasal sina Pangilinan at Solinap kagabi sa Los Arboles sa Tagaytay.

Ilan pa sa mga artistang dumalo ay sina Vic Sotto at Pauline Luna, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Tito Sotto, Joey de Leon, Allan K, John Arcilla, Ruby Rodriguez, Gloc-9, Dingdong Dantes, Michael V, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Hayden Kho, at ang magkapatid na sina Angelika at Mika dela Cruz.