Elisse, hanga sa galing ni Coco

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 12:02 PM

Proud na ikinuwento ni Elisse Joson ang mga 'di malilimutang experience sa shooting ng pelikulang "Ang Panday" na kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival.
 
Marami siyang natutunan kay Coco Martin na direktor at bida sa pelikula.

"Siguro naka four days na po kami nag-shoot and so far nakakabilib po talaga ang mga nangyayari sa shooting namin. Kasi si Kuya Coco, siya po 'yung direktor, siya din po 'yung talagang hands-on sa script, 'yung paggabay sa mga actor," ani Elisse.

Kababalik lang ng Pilipinas ni Elisse mula sa Turkey kung saan nag-pictorial siya at ang kanyang ka-love team na si Mccoy de Leon para sa isang fashion and lifestyle magazine.

Ayon kay Elisse, masayang break ito para sa kanila ni Mccoy. 
 
"Kasi nagkaroon kami ng time off from work. Dito sa Pilipinas everyday may trabaho and hindi po kami nakakapagkita. Doon po parang naisingit na po nagpahinga at nakapag-bonding," ani Elise.

Plus pogi points din para kay Mccoy ang ginawang pagpapaalam nito sa magulang ni Elisse na pormal na itong manliligaw sa kanya.

"Sa akin sobrang natutuwa ako dahil ginawa niya 'yun at hindi na lang basta-basta nag-go. Kumbaga may pahintulot talaga ng magulang, kaya for me talagang napa-bilib ako sa ginawa niya," Elisse
 
Hindi naman nagkukulang sa pangaral ang magulang ni Elisse na huwag madaliin ang lahat.
 
"Ang Mom ko po palagi po siya nagpapayo sa 'kin na 'o kayo i-enjoy niyo lang muna 'yung ngayon kung anong meron kayo, dahan dahan.' 'Yun po ang lagi niya paalala sa 'min. Kami naman pong dalawa (ni McCoy) tine-take namin 'yun as good advice po," ani Elisse.

Kasama rin si Elisse sa teleseryeng "The Good Son" na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.