Aiza, bumilib sa tapang ni Jake Zyrus

Khrisma Virgilio

Posted at Aug 07 2017 04:25 PM | Updated as of Aug 08 2017 05:10 PM

Nagpahayag ng suporta si Aiza Seguerra sa kapwa niya transgender na si Jake Zyrus sa pagpapamalas nito ng tapang na magpakatotoo sa kanyang sarili.

“I’m actually very happy for him. Bilib ako because of the courage that he had to muster just to do that,” ani ng singer at dating TV host sa isang Hotspot interview ni Jhai Ho.

Inamin din ng National Youth Commission chair na hindi madali ang ginawang hakbang ni Jake dahil na rin sa pagiging conserbatibong bansa ng Pilipinas.

“I’m proud of you,” sinabi niya kasunod ang pagtawag niya sa iba pang tao na magkaroon ng lakas ng loob na maging totoo sa kanilang mga sarili.

“At the end of the day, as long as you’re happy and nagpapakatotoo ka sa sarili mo, and you’re not there to hurt people, I don’t think there’s anything wrong with that.”

Masaya ring inanyayahan ni Aiza ang publiko na suportahan ang nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino na ipalalabas sa lahat ng sinehan sa bansa mula Agosto 16 hanggang 22.