KILALANIN: Mga nagwagi sa MOR Pinoy Music Awards 2017

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 04:47 PM | Updated as of Aug 06 2017 09:35 PM

Nagtipon ang mga 'ka-MORkada' sa MOR Pinoy Music Awards 2017, sa Kia Theatre, Quezon City, nitong Sabado, Agosto 5.

Sa natatanging gawad parangal para sa mga nagningning sa larangan ng Original Pilipino Music (OPM), itinanghal na Album of the Year ang "Be With Me" ni Darren Espanto.

Song of the Year naman ang "Maghihintay Ako" ni Jona. 

Kinilala rin si Ylona Garcia bilang Female Artist of the Year, habang Male Artist of the Year naman si Michael Pangilinan.

Wagi rin bilang Best Collaboration of the Year ang kantang “Baliw” nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Nakuha ni Iñigo Pascual ang pagkilala bilang Best New Artist para sa smash hit na “Dahil Sa ’Yo”.

OPM Revival of the Year ang “Give Me A Chance” ni Kaye Cal.

Itinanghal na LSS Hit of the Year' ang “O Pag-ibig” nina Bailey May at Ylona Garcia.

Iginawad ang OPM Lifetime Achievement Award kay Martin Nievera.

Idinaan naman sa interpretative dance, sa pangunguna ni dating "PBB" housemate Zeus Collins, ang pagbibigay ng award sa Teleserye Hit of the Year na “Wag Ka Nang Umiyak” ng “Ang Probinsyano.”

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.