Gretchen Ho, ninakawan ng bag sa London

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2018 06:29 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Ninakawan ng bag si Gretchen Ho habang nagsho-shopping sa Oxford St., London.

Kuwento ng Umagang Kay Ganda host, nagsusukat siya ng damit sa isang store nang biglang tangayin ang kaniyang bag.

"Nakita ko pa 'yung babae sa mukha. Nagkatinginan pa kami," aniya.

May lamang pera, passport, cellphone, at mga mahahalagang dokumento ang kaniyang bag.

 

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho) on

Inilagay niya ang kaniyang bag sa isang upuan at tinabunan pa niya ng mga ibang pinamili. 

"Maganda siya. Sinasabi sa akin ng mga taga dito, madalas daw mukhang yayamanin ang mga nagnakaw, nakasuot pa ng suit," dagdag ni Ho.

 

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho) on

Hindi naman kinuha ang kaniyang camera. Agad niyang pina-block ang kaniyang mga credit card. Marami ring pamilyang Pinoy ang tumulong sa kaniya.

"Buti na lang maraming Pinoy na tumulong sa akin," aniya.

Si Ho ay nasa London para mag-cover sa Ride London na tinaguriang world's biggest cycling festival.

"Kahapon kasi nag-decide ako mag-alone time kaya nga dapat maghanap na ako ng partner eh para may kasama," pabiro niyang sagot sa kabila ng nangyari.