Pagpanaw ni Alfie Lorenzo, ipinagluluksa ng showbiz

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 07:40 PM | Updated as of Aug 02 2017 01:31 AM

Nagluluksa ngayon ang show business sa pagpanaw ng kolumnista at beteranong talent manager na si Alfie Lorenzo sa edad na 78 kaninang alas-2:14 ng madaling araw ng Martes. 

Sinubukan pang i-revive si Lorenzo na inatake sa puso sa isang hotel sa Pasay kagabi ng Lunes, subalit tuluyan na itong binawian ng buhay.

Kasama sa mga nagluluksa ay ang isa sa mga naging alaga ni Lorenzo na si Judy Ann Santos. Hayag ang dati nilang away-bating relasyon noon, subalit sa bandang huli, si Santos ang nag-asikaso ng funeral arrangements ni Lorenzo. 

"I've always regarded him as family," sambit ni Santos. 

 

🙏🏻🙏🏻

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Ayon naman sa showbiz editors group na Society of Philippine Entertainment Editors, malaki ang naiambag ni Lorenzo sa pag-unlad ng Sine Pilipino. 

"Alfie Lorenzo is one of the pioneers of entertainment journalism... his insights in movie and TV production were invaluable in the development of the Philippine movie and TV industry."

Namayagpag si Lorenzo nang mahigit apat na dekada sa showbiz bilang manager ng maraming bituin. 

Tumatak din siya bilang host ng ABS-CBN talk show na 'Rumors, Fact, & Humor'. 

Magsisimula ang kanyang burol sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City ngayong Martes ng gabi. 

Maliban sa isasagawang burol sa Quezon city, kinumpirma din ng kanyang pamilya na may gaganapin ding burol sa Pampanga. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.