Mga pelikulang banyaga, 1 linggong di ipalalabas sa mga pangunahing sinehan

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 02:05 PM

Walang ipalalabas na foreign films sa mga pangunahing sinehan sa bansa sa loob ng isang linggo ngayong Agosto.

Pawang mga pelikulang Filipino ang ipalalabas sa mga sinehan simula Agosto 16-22 para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, pahayag ni Film Development Council Chairperson Liza Diño. 

Sa Pista ng Pelikulang Pilipino, tampok ang mga sumusunod na pelikula:

  • 100 Tula Para Kay Stella
  • Ang Manananggal sa Unit 23B
  • AWOL
  • Bar Boys
  • Birdshot
  • Hamog
  • Paglipay
  • Patay na si Hesus
  • Pauwi na
  • Salvage
  • Star na si Van Damme Stallone
  • Triptiko

Samantala, magkakaroon naman ng special screening ang isa sa pinakamatandang pelikulang Pilipino na "Zamboanga" na pinagbibidihan ng yumaong si Fernando Poe, Sr. noong 1937. 

--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.