Kisses, Sue, Maris, binansagang kaabang-abang ng isang fashion magazine

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 06:38 PM | Updated as of Aug 02 2017 01:05 PM

Nangunguna ang mga Kapamilya stars, kabilang na sina Kisses Delavin, Sue Ramirez, at Maris Racal, sa listahan ng 'Women to Watch' ngayong 2017 ayon sa isang sikat na fashion magazine. 

Bida sa cover ng fashion magazine ang 17 celebrities na binabansagang 'Women to Watch' dahil sa kanilang ganda, personalidad, at talento. 

"Parang ipuipo 'yong mga nangyayari. Nakakatuwa, it's so worth it! Aside from ginagawa namin na glamour, you know that you're doing this dahil maraming tao. That's the most important thing. Naglu-look up sa 'yo. Napapasaya mo, so everyday, hindi kami napapagod," sabi ni Kisses. 

Laking pasasalamat naman ni Kisses sa mga fans na sinasabi niyang nagdala sa kanya kung nasaan siya ngayon. 

Kasama rin niya sa listahan si 'Pinoy Big Brother' Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata. 

"Mas maganda pala na nangangarap ka tapos may malaking suporta sa 'yo di ba? 'Yung mga naniniwala sa 'yo, sila talaga ang nagpapatatag sa akin," ayon kay Maymay. 

Proud na proud naman at feeling #blessed sina Elisse Joson at Sue Ramirez sa natamong biyaya. Dagdag pa ni Sue, na-star struck siya kay "Asia's Next Top Model" winner Maureen Wroblewitz na nakasama niya sa photo shoot. 

"I'm with the winner of 'Asia's Next Top Model.' Na-star struck ako! Ang laking opportunity nito for all of us. I feel so blessed," ani Sue.

Kabilang din ang ASAP BFFs na sina Andrea Brillantes, Kira Balinger, Ylona Garcia, Loisa Andalio, at Maris Racal na hindi makapaniwala sa natamong biyaya. 

"First time ko mag-MEGA. Nakaka-flatter. Dream ko lang ito dati. Ito nagiging totoo na. Very fashion! Feel na feel ko 'yong pagiging classy," ayon kay Racal.

Mula naman sa angkan ng showbiz, kabilang sina Ria Atayde, Heaven Peralejo, at 2017 Binibining Pilipinas International Mariel de Leon. 

Ilan pang artistang kasama sa listahan ay sina Barbie Imperial, Alexa Ilacad, at Kelley Day. 

2015 nang huling maglabas ng 'Watch List' ang magazine, kung saan napabilang sa cover sina Liza Soberano, Nadine Lustre, Colleen Garcia, at Janella Salvador.-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.