Hayden, ipinaliwanag kung bakit may social media account si Scarlet Snow

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 05:15 PM

MANILA -- Masaya ang doctor na si Hayden Kho sa pagiging hands-on dad sa anak nila ng asawang si Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM ntiong Martes, inamin ni Hayden na parte ng kanyang responsibilid bilang ama ay ang protektahan si Scarlet Snow sa pamamagitan nang pag-control sa kanyang social media account.

Mayroong mahigit isang milyong followers si Scarlet Snow sa Instagram.

"When it comes to the social media of Scarlet, medyo ako nga 'yong (nagma-manage) parang ganoon. Parang I give myself the main responsibility of protecting Scarlet and taking care of Scarlet. So in a way you can say na ako 'yung may control noong social media," ani Hayden. 

Sa programa, ibinahagi din ni Hayden ang dahilan kung bakit may Instagram account si Scarlet Snow.

"Mayroon akong alam na isang artistang bata na wala siyang social media pero sumikat, hindi ko na lang ibibigay ang pangalan. Tapos nagkaroon ng fake account na mayroong hundreds of thousands of followers na hindi siya at siya 'yung nagre-receive ng mga gift and stuff, nagso-solicite ng kung anu-ano na hindi siya. So kaninong reputasyon ang nasisira? 'Yung doon sa tunay na bata. Wala silang kaalam-alam... Sa amin naman because it's already a fact na sa ayaw man namin o sa gusto ay nandiyan na kami in a way parang celebrity na din si Vick at ako, hindi namin maiiwasan na si Scarlet minsan ay lalabas, makikita ng mga tao. Ang iniisip ko ngayon, paano ko ngayon po-protektahan si Scarlet from social media because social media will not go away," ani Hayden.

"Sa akin ang nangyari kay Scarlet, so unang-una, kailangan ko siyang protektahan. Paano kung may gumawa ng pekeng account?
Paano kung ninakaw na 'yung identity niya sa social media? So before pa lang ipinanganak si Scarlet, ni-reserve ko na lahat ng names sa Facebook, kahit hindi ko siya gamitin. Naka-reserve na siya sa Instagram, sa lahat. Kinuha ko na 'yung IP parang ganoon. Now in the future kung gusto niyang gumamit nandoon ang pangalan niya available," ani Hayden.

Pag-amin ni Hayden, binago ni Scarlet Snow ang kanyang buhay. 

"Sa akin if you have been given that privilege and that responsibility na alagaan at palakihin ang isang ganitong ka-precious na bata, you better shape up, hindi ba? Kailangan maayos ang pamumuhay mo," ani Hayden.

'Ang bata nakatingin sa iyo palagi, lagi siyang nakatingin sa iyo kung paano mo tinatrato ang ibang tao. So kung gusto mong turuan ang bata, kailangan i-practice mo 'yung values na 'yon. kasi conflict, magiging hipokrito ka sa mata ng anak mo at ang masama noon ay baka 'yung anak mo maging ganoon din, iba 'yung sinasabi sa ginagawa," dagdag niya.

Bilang ama, ibinahagi ni Hayden ang dalawang bagay na sa tingin niya ay dapat maibigay ng isang magulang para sa kanilang anak.

"Number 1, ipakilala mo siya sa tamang Diyos. At pangalawa, iparamdam mo sa kanya, ipakita mo sa kanya na mahal mo siya. Kasi kung hindi mo iparamdam sa kanya na mahal mo siya, kahit anong gawin mo diyan eh hindi siya matututo," ani Hayden.