Mga magulang ni Noven Belleza, nagulat sa paratang sa anak

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 11:04 PM

Ikinagulat ng mga magulang ng "Tawag ng Tanghalan" champion na si Noven Belleza ang isyung kinasangkutan ng kanilang anak.

Ayon sa kanyang mga magulang, wala silang kamalay-malay sa nangyayari sa kanilang anak.

Dagdag pa ng kanyang inang si Rosie, hindi siya naniniwala na magagawa ni Noven ang ibinibintang sa kanya.

"Mabuti at maganda ang ugali niyan. Malambing sa mga babae, halos lahat ng mga babae na nakilala niya, inirerespeto niya," aniya.

Inakusahan si Belleza ng panghihipo sa isang babae. 

Base sa imbestigasyon ng Women and Children's Protection Desk ng Mabolo police, magkasama ang complainant at si Belleza sa isang hotel, ilang oras bago magtanghal ang singer sa isang concert noong gabi ng Hulyo 15.

Sinampahan ng piskal si Belleza ng kasong sexual assault. Nagkakahalagang P120,000 ang inirekomendang piyansa. 

Ayon naman sa ABS-CBN na tumatayong manager ni Belleza, nakapagpiyansa na ang singer sa kasong sexual assault.