Awra, ibinunyag kung bakit hindi siya ang gaganap na 'Ding'

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 08:59 PM | Updated as of Jul 21 2017 09:00 PM

 

A post shared by Badgalriri 💋 (@awrabriguela) on

Itinanggi ni Awra Briguela na siya ang gaganap na 'Ding' sa pelikulang 'Darna'. 

Aniya, hindi siya nakatanggap ng offer na maging si 'Ding', at sinabing malayo ang personalidad niya sa karakter na nakababatang kapatid ni 'Darna'.

"Hindi po totoo na in-offer-an akong mag-'Ding'," ayon kay Briguela noong Huwebes sa press conference para sa 'Wansapanataym Presents: Amazing Ving'. 

"Hindi ko ine-expect, hindi po ako nag-o-overthink na maging Ding ako kasi unang una, hindi bakla si Ding. Ibang-iba iyong personality niya sa personality ni Awra," dagdag pa niya. 

Naglabasan ang mga tsismis na gaganap si Briguela bilang 'Ding' - ang nakababatang kapatid ng Pinay superhero- sa pelikulang 'Darna' matapos makumpirmang ang aktres na si Liza Soberano ang gaganap sa lead role.

Dahil hindi pa malinaw kung sino pa ang ibang mga artistang gaganap sa pelikulang 'Darna', palaisipan pa rin sa maraming fans kung sino ang maaaring gumanap sa ibang mga role gaya nina 'Ding', 'Valentina', at iba pa. 

Hindi pa rin naglalabas ng release date ng pelikula ang Star Cinema. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.