Anne Curtis, bukas mag-dub ng Korean drama

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 12:24 PM | Updated as of Jul 20 2017 12:51 PM

Big fan ng Korean drama -- ito ngayon ang best description ni Anne Curtis sa sarili. 

​Paborito niyang pastime ang manood ng Korean movies at series.

Pero paano nga ba nagsimula ang hilig na ito ni Anne?
 
"I'm a late bloomer. It really started on a Sunday night. I was looking for movies to watch and I watched 'Train To Busan' at home. Tapos sabi ko, sino itong lalaking ito? Tapos I Googled Gong Yoo and looked at his filmography then I saw 'Goblin.' Sabi ko, wala na," ani Anne.

Gaya ng karamihan, galit din si Anne sa spoilers lalo na sa social media, bagay na kailangan na lang iwasan.
 
"Siyempre nakaka-upset pero hindi mo rin naman kasi mapipigilan. Ako, pigil na pigil na nga ako pero parte na talaga siya ng sistema," ani Anne.
 
At kung bukas ba siya sa posibilidad na maging bahagi ng isang Korean project gaya ng pagda-dub, ito ang walang kurap na sagot ni Anne. 

"Why not?! Gusto ko yan!"

Bilang aktres, inaabangan si Anne sa kanyang kakaibang pagganap sa pelikulang "Buy Bust," kung saan nag-full action ang aktres. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.