Jolina, nasa maayos na ang kalagayan

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 12:08 PM | Updated as of Jul 18 2017 12:32 PM

MANILA -- Nasa mabuting kalagayan na ngayon ang aktres at "Magandang Buhay" host na si Jolina Magdangal, matapos siyang isugod sa ospital nitong Lunes ng umaga dahil sa pananakit ng kanyang likuran.

Sa kanyang Instagram account, nag-post na si Jolina ng inspirational quote at nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kanya.

"Dahil sa mga dasal nyo, naka-recover ako agad," ani Magdangal.