Elisse Joson, gusto pa rin maging fashion designer

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 12:01 PM

MANILA -- Sa kabila ng sunod-sunod na proyekto bilang aktres, tutok pa rin si Elisse Joson sa kanyang plano na maging fashion designer.
 
Kasalukuyang estudyante ng Fashion Design and Merchandising si Elisse sa isang malaking kolehiyo. 
 
"Marami po akong hinahangaan sa fashion industry, lalo na sa local po, si Francis Libiran," ani Elisse sa "Magandang Buhay" nitong Martes,

Ayon kay Elisse, plano niyang gawing karera ang pagiging fashion designer lalo't parte na siya ng show business.

"Kaya din po naisip ko na mag-fashion design kasi 'yung opportunity na dumating 'yung pag-aartista po medyo connected siya. So sabi ko kung hindi palarin sa isa, at least mayroon akong mae-enjoy na connected pa din po," ani Elisse.

Sa ngayon ay masaya si Elisse sa mga proyektong dumarating sa kanya.

"Sobrang daming blessings na pumapasok this year. Actually 'di ako makapaniwala, minsan 'di nagsi-sink in sa akin. Kapag nangyari na doon ako na o-overwhelm ng sobrang-sobra. Parang tatanungin mo ano ang nagawa ko to deserve this," ani Elisse.

Maliban sa pagiging parte ng paparating na pelikulang "Ang Panday," mayroon din siyang teleserye at album kung saan kasama niya ang ka-love team na si Mccoy de Leon.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.