TINGNAN: Lyca Gairanod, isa nang ganap na dalaginding

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 09:34 PM

Malayo na ang narating ni Lyca Gairanod matapos siyang itanghal bilang pinaka-unang grand champion ng “The Voice Kids.”

Sa kanyang pagkakapanalo sa "The Voice Kids" noong 2014, nag-uwi siya ng recording contract mula sa MCA Universal, P1 million cash, pati na bahay at lupa na may kasama pang appliance package. 

At mula sa pangangalakal ng basura para ibenta, ngayo'y madalas nang imbitahin sa iba't ibang shows si Lyca. Nabigyan din siya ng scholarship package na kasalukuyan niyang ginagamit upang makapagtapos ng pagaaral. 

Nitong nakaraang Linggo, maraming netizens ang nakapansin sa kanyang transformation. Mula sa pagiging munting bata noong 2014, isa nang certified na dalaginding ang 12 taong gulang si Lyca. 

Natuto na siyang mag-make up at mamili ng #OOTD. Sinilip ng ABS-CBN News ang Instagram ni Lyca, at narito ang ilang larawang tiyak na gugulat sa iyo: 

Photo from Lyca Garainod (@lycagairanod.1)'s Instagram Page