Maymay, bakit naisip iwanan ang showbiz?

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 08:29 PM

Inamin ni Maymay Entrata na muntik na niyang iwanan ang showbiz, ngunit nananatiling matatag ang kanyang loob dahil sa mga taong nagsisilbing kanyang inspirasyon. 

Sunod-sunod naman din ang mga natatamo niyang blessings kasama ang kanyang love team na si Edward Barber. 

Happy together ang MayWard love team na magkasama sa 17th birthday ng aktor na inihanda ng fans. 

Patuloy na natutupad ang pangarap ng dalawa na may big break sa seryeng 'La Luna Sangre' kasama ang KathNiel. 

"Basta masasabi ko lang, tao ako, ngayon po, human kami. Puwede maging aswang, ganoon. Pero hindi ko pa po talaga alam," kuwento ni Entrata. 

Gumugulong din ang mga proyekto ng dalawa, gaya ng kanilang upcoming movie kasama ang dating housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Kahit naman umaariba ang career ng Pinoy Big Brother big winner na si Maymay, naikuwento niyang minsan na ring sumagi sa isip niyang iwanan ang showbiz. 

Matapos manalo sa PBB, nanibago siya sa atensiyong ibinibigay sa kanya. Naranasan din niya ang cyberbullying pati ang iba pang hamon sa industriya. 

"Mahirap po. Akala ko paglabas [ng bahay ni kuya], tapos na, winner na ko, uwi na ako. Kaso po ibinigay ni Lord na ipagpatuloy 'yung pangarap ko dito sa showbiz, may iba pang para sa akin," aniya. 

Nabigla rin siya sa mga kailangang gawin habang nasa showbiz. 

"Kung paano ko ime-maintain, 'yung ibibigay ko ang lahat sa lahat ng bagay... 'Nung una na bagong labas, 'ano ba ito, kailangan ko mag-workshop, ano ba ito, Lord?' Akala ko tapos na," kuwento niya. 

Ngunit naisip niyang ang mga pagsubok ang makakapagpatatag sa kanya. 

"Kaya pala nahihirapan ako noong una kasi akala ko tapos na 'yung pangarap ko kaya, natutunan ko, dahil blessing itong ibinigay sa akin, hindi pala dapat ako titigil mag-set ng goals ko. Kahit na anong gawin ko, mga goals ko mahirap man o hindi, 'yun 'yung tumutulong at inspiration para mas maging mahusay ako sa mga ginagawa ko," ayon kay Entrata. 

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.