Jericho Rosales, bibida sa bagong serye

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 10:58 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagpasalamat si Jericho Rosales sa Aegis band dahil ang hit song na "Halik" ang magiging theme song ng paparating niyang serye.

Nagbigay-detalye na rin ang aktor sa inaabangang palabas kasama ang iba pang Kapamilya stars.
 
"Maraming salamat dahil ipinahiram niyo ang awit sa show namin with the same title 'Halik.' Coming soon with Sam (Milby), Yen Santos, and Yam Concepcion," aniya.
 
Bukod sa teleserye, may pelikula ring lahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) si Echo kasama sina Jessy Mendiola at Kim Chiu.
 
"It's a story about dalawang mag-asawa and nagkakabuhol-buhol. It's a romantic comedy tungkol sa isang artista, ako 'yung artista," aniya.
 
Nilinaw din ni Echo ang napapabalitang wala na si Kim Chiu sa cast ng kanilang MMFF movie.
 
"It's too early to say that. Alam mo naman ang pelikula, minsan ako, minsan hindi ako. Hindi ko alam, wala namang backout na naganap," aniya.

Thankful si Echo sa bagong serye at pelikula na hiling niya na suportahan ito ng kanyang fans.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.