Ryan Bang, kontrabida na sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 04:29 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa unang pagkakataon ay gaganap bilang kontrabida ang "It's Showtime" host at komedyante na si Ryan Bang.

Sa "It's Showtime" nitong Huwebes, ibinahagi ni Ryan ang karakter na gagampanan niya sa pelikulang "Kusina Kings" na pinagbibidahan naman nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.

"Para akong Alakdan sa 'Ang Probinsyano,'" ani Ryan patungkol sa kontrabidang karakter ni Jhong Hilario sa "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.

Samantala, game na game ring isinayaw ni Ryan ang theme song ng "Kusina Kings" kasama ang iba pang host ng "It's Showtime."

Ipapalabas na ang "Kusina Kings" sa Hulyo 25.