Julia, ibinahagi ang natutunan sa pinagdaanan nila ni Joshua

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 04:00 PM | Updated as of Jul 12 2018 04:35 PM

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

MAYNILA — Ibinahagi ni Julia Barretto ang kaniyang mga natutunan tungkol sa sarili matapos nilang malampasan ni Joshua Garcia ang kamakailang pagsubok sa kanilang relasyon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. 'Pag nagmamahal pala ako, todo-todo 'yong pagmamahal. Hindi ako basta-basta sumusuko sa taong mahal ko pala," sabi ni Barretto sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong Miyerkoles.

Ayon kay Barretto, hindi niya matutuklasan ang sariling katatagan kung hindi sila dumaan sa pagsubok ni Garcia.

"I had to go through it in front of the world, in front of everyone, hearing different opinions, Tito Boy," ani Barretto.

"At the end of the day pala, you need to just listen to yourself, your heart, your mind kasi iyon pala 'yong pinakaimportante talaga," aniya.

Ayon naman kay Garcia, dahil sa pangyayaring iyon, natutunan niyang pahalagahan kung ano ang mayroon siya.

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Noong Abril, sa episode din ng "Tonight With Boy Abunda," umamin si Garcia na may suliranin sila ni Barretto sa relasyon.

Nag-viral kasi sa social media ang mga retrato ni Garcia na nagpadala ng pribadong mensahe sa isang babae sa Instagram na pinupuri ang kaniyang mga swimsuit photo.

Kalaunan ay nagkaayos ulit ang dalawa at nanumbalik ang kilig sa kanilang pagsasama.

Noong nakaraang buwan lang sa isang press conference ay humingi ulit ng tawad si Garcia kay Barretto sa nangyari at nangakong magiging "better man" siya para sa kanila.

Bumisita sa "Tonight With Boy Abunda" ang dalawa para i-promote ang kanilang pelikulang "I Love You, Hater."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.