Bela Padilla, 'bad influence' nga ba kay Maris Racal?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 11:21 AM | Updated as of Jul 12 2018 11:49 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa media launch ng 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan mayroon siyang pelikula, ipinaliwanag ni Bela Padilla ang kanyang saloobin sa mga nagsasabi ng negatibo sa pagkakaibigan nila ni Maris Racal.
 
"I would like to think I am a positive influence to whoever I'm with and I didn't seek her out. Siya ang lagi namang nagyayaya. I don't know where that came from. Ang mabibigay ko naman lagi advise kay Maris sa trabaho or sa buhay niya kapag kailangan niya. Hindi ako nanghihimasok," ani Bela.
 
Bilang aktres, bibida muli sa isang pelikula si Bela katambal si JC Santos sa “The Day After Valentine's" na nag-shooting pa sa Hawaii.
 
"Part siya ng character ni JC. Ayaw pa lang ipasabi kung saan mismo sa Hawaii. Pero we shot 40% ng pelikula sa Hawaii," ani Bela.

Malakas sa box office sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino ang “100 Tula Para kay Stella” na pinagtambalan din nila ni JC. Ito ang challenge ngayon kay Bela.
 
"I can honestly say na each movie has a different experience. Nararamdaman ko ang pressure ngayon. Last year kasi sa PPP, walang ibang entry na parang romance ang theme. This year ang dami," ani Bela.

Mapapanood ang “A Day After Valentine's” sa August 15 hanggang 21 bilang isa sa walong entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.