'Abay Babes,' itinangging may intrigahan sa kanilang samahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 11:27 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Iginiit ng mga bida ng pelikulang "Abay Babes" na walang intrigahan o pang-aapi sa samahan nilang nabuo sa shoot ng pelikula.

Tampok sa nalalapit na comedy film sina Cristine Reyes, Kylie Versoza, Nathalie Hart, Meg Imperial, at Roxanne Barcelo.

Sa bikini shoot ng mga bida para sa pelikula, nagkuwento ang lima tungkol sa kanilang pakikitungo sa isa't isa.

"Si Kylie iyong madalas namin dito asarin kasi parang sobra niyang hinhin," kuwento ni Reyes.

"Si Cristine, unexpectedly sobrang kulit niya. As in, nakakatawa siya kasama sa set," sabi naman ni Barcelo.

"Si Roxanne, marami 'yan secrets eh. Kung sino 'yong mga showbiz na ka-date namin," ani Hart.

Napuna rin ang pagiging magkamukha umano nina Versoza at Imperial.

"Sabi nila kamukha ko daw si Meg, so parang 'twinnie' kami tapos when I got to know her, super friendly naman siya," ani Versoza.

"Sobrang ano naman kami, kuwentuhan," sabi naman ni Imperial.

Gaganap sina Reyes, Versoza, Barcelo at Hart bilang dating magkakaklase na nag-reunion para sa isang kasal. May "surprise twist" naman daw sa papel ni Imperial.

Lalo pang naging makulay ang pictorial nang suotin ng mga bida ang kanilang bersiyon ng wedding dress habang naka-bikini pa rin.

Direktor ng "Abay Babes" si Don Cuaresma at kinuhanan ang ibang eksena ng pelikula sa Bicol. --Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.