Bakit hindi tinuloy ni Melai ang planong magpa-retoke

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 12:54 PM

 

A post shared by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

MANILA -- Inamin ni Melai Cantiveros na binalak niya dati na magpa-retoke.

Pero ang kanyang asawang si Jason Francisco ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanyang plano. 

"Noong nahanap ko na ang partner ko, na-realize ko na I'm contented with my face," pauna ni Melai sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Kasi sinasabi nila dati na magpagawa ka ng ngipin, magpagawa ka ng ilong. Gusto ko sanang [gawin] pero noong nahanap ko na ang partner ko, eh bakit pa ako magpapagawa? Nandito na ang asawa ko at na-in love siya sa mukha ko at sa ngipin ko kaya nakuntento ako ng bonggang-bongga," kuwento ni Melai.
 
Sa huli, iginiit ni Melai na ang pagmamahal ng kanyang asawa ang nagparamdam sa kanya na siya ay tunay na maganda. 

"(Feeling ko ako ang) maganda sa lahat," ani Melai.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.