Pokwang, isinugod sa ospital

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2017 09:39 PM | Updated as of Jul 11 2017 11:14 AM

MANILA -- Wala pang isang buwan matapos niyang ihayag na siya'y nagdadalang-tao sa edad na 44, isinugod sa ospital ang komedyanteng si Pokwang. 

Sa panayam ng ABS-CBN News sa kanyang asawang si Lee O'Brian noong nakaraang buwan, inamin ng American actor na talagang sensitibo ang pagbubuntis ng kanyang misis dahil na rin sa edad nito. 

 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Isa sa mga bumisita kay Pokwang ay ang kanyang kaibigan at kapwa komedyanteng si K Brosas. 

Ayon kay Brosas, nasa mabuti nang kalagayan ang kanyang kaibigan bagama't pinagbalawan muna siyang gumalaw-galaw at siya'y mas pinag-iingat. 

Nasa mabuting kalagayan din daw ang baby ni Pokwang, pero nanawagan pa rin ng dalangin si Brosas para sa mas ligtas na pagbubuntis ng kanyang kaibigan.