Jolina, maayos na ang kalagayan matapos maaksidente

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2017 04:07 PM

MAYNILA -- Nasa maayos ng kalagayan ngayon si Jolina Magdangal, ang asawa nitong si Mark Escueta at anak nilang si Pele, matapos mabangga ng isang van ang sinasakyan nilang SUV sa East Avenue, Quezon City nitong Lunes.

Sa Facebook, nagpasalamat si Mark sa lahat nang nagpakita at nagpaabot ng malasakit sa kanyang pamilya.

 

"Thank God, we are okay. Salamat sa lahat ng nagme-message at tumatawag. Sorry di pa ako nakaka-reply sa karamihan. Around 6 a.m. na kami na discharge from St. Luke's E. Rodriguez kanina kaya pag dating sa bahay nakatulog na kami agad," ani Mark.

Ayon kay Mark, patungo sila sa airport lagpas ala una ng madaling araw nang banggain ang likurang bahagi ng kanilang SUV ng isang van.

"For those who haven't heard about what happened, our car was hit from behind last night by a van whose driver had fallen asleep at the wheel. We were at the stoplight in front of the Philippine Heart Center at around 1:30 a.m., on our way to the airport to catch a 5 a.m. flight to Hong Kong. Our rear windshield was totally shattered and I could see the driver of the van. Their windshield was also gone and I saw that he was in pain from being pinned to his seat by the steering wheel and dashboard," kuwento ni Mark.

Laking pasasalamat ni Mark na maayos ang lagay ng kanilang tatlong taong gulang na anak at gayundin si Jolina.

"Thank God walang nangyari kay Pele. Naka carseat and seatbelt siya palagi pag bumabiyahe kami. He did not even cry. Kaya lang may malaking bukol kaagad si Jolina sa likod ng ulo niya," dagdag ni Mark.

Sa Facebook, nagpaabot din ng pasasalamat si Jolina sa lahat ng nag-alala sa kanilang kalagayan.

 

Sa ulat sa "Umagang Kay Ganda," sinabi ng driver ni Magdangal na si Orly Sebolino na minamaneho niya ang Mitsubishi Montero lulan ang aktres at mag-ama nito nang huminto sila sa stoplight sa tapat ng Philippine Heart Center at biglang salpukin ng puting Nissan Urvan. 

Ayon sa sakay ng van na si Miriam Bondoc, papauwi na sila ng Makati nang napaidlip ang driver niyang si Peter Sevilla.

Sa tindi ng pagkakabangga, nawasak ang bumper at salamin sa likod ng sasakyan ng pamilya nik Jolina. Nasira naman ang unahang bahagi ng van at natanggal pa ang windshield nito. 

Nasugatan din ang van driver na si Sevilla matapos maipit. Ligtas naman ang 5 pasahero niya kabilang na ang isang sanggol.