DJ ng Kidapawan, pasok na sa semis ng 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2017 06:18 PM

Pasok na sa semifinals ng "Tawag ng Tanghalan" si Jovany Sater, isang radio DJ mula Kidapawan, North Cotabato. 

Ito'y matapos niyang makuha ang kanyang ikalimang sunod na panalo nitong Biyernes sa "It's Showtime." 

Binigyan siya ng score na 94.2 percent ng mga hurado para sa bersyon niya ng "Green, Green Grass of Home" ni Tom Jones. 

Mas mataas ito sa 91.2 percent na nakuha ng daily challenger na si Roscel Paolo Marquez. 

Babalik si Sater sa Lunes para muling depensahan ang kanyang titulo. Gusto pa umano niyang pasayahin ang mga "madlang people" at madagdagan pa ang kanyang P135,000 na premyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.