Janella, saludo sa kanyang inang si Jenine

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2017 01:19 PM

 

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire) on

MANILA -- Muling pinahalagahan ni Janella Salvador ang kanyang inang si Jenine Desiderio sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

"I'm just so happy to have a family like mine. Kahit sobrang liit lang namin na family, kahit mom ko lang ang kasama ko. Sobrang proud ako na siya ang mom ko," ani Janella.

"Kasi talagang I can see what she's been through. Sobrang dami niyang pinagdaanan and she's going to do everything to protect me and ma-teach niya sa akin what she learned in life," ani Janella.

Pinapurihan ni Janella ang kanyang ina matapos mapanood ang mensahe nito para sa kanya.

Ayon kay Jenine, mananatili siyang nakasuporta sa kanyang anak. 

"We just want to say that we will always be behind you. We mean it, we will always be behind you," ani Jenine.

Sa ngayon ay abala si Janella sa pagpo-promote ng pelikulang "Bloody Crayons" na ipapalabas na sa mga sinehan simula ngayong Hulyo 12.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.