Jane Oineza, umamin sa bago nitong inspirasyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2017 11:51 AM

MANILA -- "Happiness." 

Ito ang sagot ng aktres na si Jane Oineza sa tanong kung sino ba ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Kyle Secades sa kanyang buhay.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, hindi maitago ni Jane ang kilig at ngiti nang matanong sa kanya ang tungkol kay Kyle.

Maliban sa kanyang pamilya, inamin ni Jane na si Kyle ngayon ang kanyang inspirasyon. "Kasama siya along with my family, my work, my supporters," dagdag niya.

Samantala, na sorpresa naman si Jane sa isang taped message na mula kay Kyle. 
 
"Gusto kong malaman mo na proud ako sa iyo, dahil nakita ko kung gaano ka ka-dedicated na matapos ang movie ng maayos at maganda... Ako, excited na din akong mapanood yon, so sana huwag mo akong kalimutan sa premiere night. Continue being yourself lang, I know, I believe na marami pang blessings na darating from God. I miss you and see you soon," ani Kyle.

Ayon kay Jane, hindi niya kakalimutan ang hiling ni Kyle na magkasama sila sa premiere night ng kanyang bagong pelikula na "Bloody Crayons," na ipapalabas na sa susunod na linggo. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.