Arron, nagdiwang ng kanyang kaarawan sa UKG

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2017 11:28 AM

MAYNILA -- Nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan ang aktor na si Arron Villaflor sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles.

Ibinahagi ni Arron ang kanyang hiling para sa kanyang espesyal na araw.

"Gusto ko maging masaya lang ako sa trabaho ko at gaya ng dati ay patuloy pa din an mga blessing na dumarating sa akin, kaya patuloy pa din ang pasasalamat ko kay Lord," ani Arron.

"Hinding-hindi makukumpleto ang lahat kung hindi dahil kay Lord, sa mga blessing and to my family. Maraming maraming salamat po," dagdag ng aktor.

Nagpasalamat din ang si Arron sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya. 

Maliban sa pagiging parte ng "Umagang Kay Ganda," mapapanood din si Arron sa paparating na pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral" na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.