TINGNAN: Pokwang, ipinakita ang kanyang baby bump

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2017 04:09 PM

MANILA -- Matapos ipaalam sa publiko ang kanyang pagdadalangtao, masaya si Pokwang sa pagpapakita ng kanyang lumalaking tiyan.

Sa Instagram account ni Pokwang, nag-post ang komedyante ng larawan ng kanyang baby bumb, ilang araw lamang matapos niyang ibahagi sa publiko ang unang larawan o sonogram ng kanyang baby sa nobyong si Lee O'Brian

Ibinahagi ni Lee na nakatakdang magsilang si Pokwang sa Pebrero ng susunod na taon. 

Maliban sa bagong baby, may dalagang anak na si Pokwang sa dati nitong karelasyon.