Nadine, namayagpag sa listahan ng 'pinaka-sexy'

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 04:42 PM | Updated as of Jun 29 2017 04:44 PM

 

A post shared by Nadine L (@nadzlustre) on

Si Nadine Lustre ang 'pinaka-sexy'! 

Ito ay ayon sa listahan ng 2017 '100 Sexiest Women' ng sikat na men's magazine na FHM Philippines. 

Mula sa pagiging Top 3 sa listahan noong 2016, opisyal nang itinanghal ang 23 anyos na aktres na numero uno sa listahang ito ngayong Huwebes ng umaga.

Napanatili ni Lustre ang pangunguna sa halos tatlong buwang botohan para sa 'pinaka-sexy' ngayong 2017. 

Nagkamit siya ng 491,039 na boto, o halos 9.5% ng kabuuan ng mga bumoto. 

Maliban sa suporta ng kanyang libo-libong fans, ang kanyang maalindog na dating ang nagdala sa kanya ng bagong titulo, ayon sa FHM Philippines. 

Sumunod naman kay Lustre ang 'social media breakout' na si Kim Domingo. Nagkamit siya ng 450,192 na boto. Halos 40,847 na boto ang agwat nila ni Lustre. 

Ikatlo sa listahan si Rhian Ramos na may 359,405 na boto. 

Nasa ikaapat na puwesto naman si Jessy Mendiola na 'pinaka-sexy' naman noong 2016. Nakakuha siya ng 350,182 boto. 

Sumunod naman sina Ellen Adarna (320,391), Jennylyn Mercado (318,273), Angel Locsin (248,192), Liza Soberano (201,925), Maine Mendoza (200,182), at Solenn Heussaff (180,294) sa Top 10. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.