Mangingisda ng Davao Occidental, pasok na sa 'Tawag' semis

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 06:24 PM

Si Alfred Relatado mula Davao Occidental ay pasok na sa semifinals ng "Tawag ng Tanghalan." 

Ito'y matapos niyang makuha ang kanyang ikalimang sunod na panalo nitong Miyerkules sa "It's Showtime." 

Binigyan siya ng score na 94.6 percent ng mga hurado para sa kanyang performance ng "You'll Never Walk Alone," mas mataas ng 2 points sa nakuha ng daily challenger na si Rosalyn Mejica.

Si Alfred na isang mangingisda ay sumali sa "Tawag ng Tanghalan" para matupad ang kanyang pangarap na makabalik sa pag-aaral at maging isang sikat na mang-aawit. 

Sabi ni Alfred, matapos ng kanyang panalo ay ipapahinga niya muna ang kanyang boses para sa semifinals. 

Ang ibig sabihin nito ay may bagong kokoronahan ang "Tawag ng Tanghalan" bukas, Huwebes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.