'ElNella' at 'SofiEgo', sinagot ang relationship status

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2017 10:11 PM

Hindi love story kundi kababalaghan ang unang pelikula ng love teams na 'ElNella' nina Elmo Magalona at 'SofiEgo' nina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Base sa sikat na online book ang kanilang suspense thriller movie na ‘Bloody Crayons’. Iikot ito sa kuwento ng isang barkada outing na nauwi sa patayan. Action-packed ang mga eksena sa pelikula. 

Makakasama ng dalawang love teams sina Jane Oineza, Maris Racal, Ronnie Alonte, Yves Flores, at Empoy.

Suspense naman para sa entertainment press ang sagot ng ElNella at SofiEgo sa tanong sa tunay na estado ng kanilang relasyon dahil tila nade-develop na sa real life ang on-screen romance nila.

“Were working together, and we are good when we are working together at kung ano man ang relationship naming ni Sofia it's a good one because we are able to work well with each other,” kuwento ni Diego.

Sagot naman ni Elmo, “Wala pa, I’m just happy na nagkaka-projects pa rin kami ni Janella after "Born for You".

--Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.