Jolo Revilla, umaming masaya sila ni Jodi

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2017 01:10 PM

Bukod sa buhay politika, balik sa pag-arte si Jolo Revilla. 

Gagampanan ni Jolo ang isang espesyal na papel sa top-rating teleserye na "Ang Probinsyano" at aminado si Jolo na big fan siya ng serye ni Coco Martin.

Natuwa rin si Jolo sa pagbabalik eskuwela ni Jodi Sta. Maria.

"Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na din niya 'yung pangarap niya na maging isang doktor. Dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology e. So I'm very happy for her," ani Jolo.
 
​At nang tanungin sa estado ng relasyon nila ni Jodi, matipid ang kanyang naging sagot. 

"Sinasabi nga niya sa akin na hindi pwede maging sagabal 'yung oras, kailangan huwag mawalan ng pag-asa. All I can say is kung ano ang mayroon kami ngayon ay masaya po kami," ani Jolo.

Tila may pahaging naman si Lani Mercado sa gumagandang love life ng anak. 

"I'm happy that he is happy, that he is inspired. I hope that he will continue to be inspired. Mukhang may pag-ibig na naman sa kanyang puso," ani Lani.

Excited na si Jolo sa kanyang pagbabalik showbiz at masaya na maging bahagi ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.