Darren, may bagong sorpresa sa fans

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 11:53 AM | Updated as of Jun 22 2017 12:23 PM

MANILA -- May bagong sorpresa si Darren Espanto para sa kanyang mga tagahanga.

Sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda (UKG)" nitong Huwebes, ibinahagi ni Darren ang paglabas ng kanyang bagong album na "Be With Me."

Ayon kay Darren, parte ng "deluxe edition" ng kanyang album ang mga awitin kasama ang Malysian pop singer na si Nik Qistina.

"Kasama din po diyan aming collaboration ni kuya Jed Madela na 'I'll Be There' at two songs na isinulat ko," ani Darren.

Ayon kay Darren, naging masaya ang kanyang karanasan sa paggawa ng proyekto kasama ang Malaysian singer.

"It's always fun to collaborate with people who are also passionate about music," ani Darren.

Matatandaang tumagal din ng ilang araw sa bansa si Nik para sa nasabing proyekto.

Maliban sa album, sunod-sunod din ang magiging shows ni Darren sa loob at labas ng bansa tulad na lang sa New Jersey at Canada.

Para sa mga manonood ng "UKG," inawit naman ni Darren ang "My Baby And Me" na parte ng kanyang album.