'Tawag Kids', nakipagkulitan kay Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2017 01:02 AM

Nasubukan ang galing sa pag-arte ng top 5 ng 'Tawag ng Tanghalan Kids' nang bumisita ang mga ito sa programang 'Gandang Gabi Vice' Linggo ng gabi. 

Ang mga bumisita sa program ni Vice Ganda ay sina Jhon Clyd Talili, Keifer Sanchez, Macky Empuerto, Sheena Belarmino, at Francis Concepcion Jr.

Pinabilib ng limang bata ang mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pagkanta.

Sinimulan pabilibin ng 'Tawag Kids' ang mga manonood sa kanilang pag-awit ng 'I Don't Want to Miss a Thing'.

Nakipagbiritan din ang singer na si Darren Espanto, na iniidolo ni Talili. Kinanta ni Espanto at Talili ang 'One Moment in Time' ni Whitney Houston.

Matapos ang biritan, ibinahagi naman ng 'Tawag Kids' na nais din nilang maging artista kaya sinubok ni Vice Ganda ang kanilang kalibre sa pag-arte.

Pinaarte ni Vice Ganda sina Empuerto, Sanchez, at Concepcion ng isang senaryo ngunit imbes na normal na dayalogo, nagsagutan sila sa pamamagitan ng pag-awit ng 'Listen' ni Beyonce. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.