PANOORIN: Liza bilang 'Singing Darna'

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 06:08 PM | Updated as of Jun 16 2017 11:25 PM

'Singing Darna' ang bansag kay Liza Soberano sa una niyang pagbirit bilang karaoke queen. 

Malapit na ring matupad ang isa pa niyang pangarap na magkaroon ng recording album, at excited siyang ipamalas ang isa pa niyang talent. 

Tuloy-tuloy pa rin ang pagwo-workout ni Soberano bilang paghahanda sa role. Sa katunayan, sinasamahan pa siya ng ka-love team na si Enrique Gil sa pagba-barbel.

 

Work hard, play harder 😅 @boksantos @enriquegil17

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

Natawa naman siya sa ispekulasyong si Gil na ang susunod na gaganap na Captain Barbel na likha rin ni Mars Ravelo.

"Bagay sa kanya!" sabi ni Soberano.

Biro rin niya na tuturuan pa niyang kumanta si Gil. Aniya, sabik na siya sa pagsasakatuparan ng isa pa niyang pangarap na magkaroon ng recording album. Nais din niyang ipamalas ang isa pa niyang talento.

"When I was 13, I trained in guitar playing, so hopefully, I can show that. I am partial to new compositions. I want to collaborate," aniya.

Nag-sampol din si Liza ng kanyang birong theme song para sa 'Darna', "I believe I can fly!" 

Sa kabila ng natatanggap na kritisismo ni Soberano sa pagkakapili sa kanya bilang si 'Darna', nananatili pa rin siyang positibo sa kanyang pagganap sa Pinay superhero. 

Tuloy-tuloy rin ang pagdating ng blessings gaya ng inaasahang paglabas ng kanyang recording album.

Maraming naririnig si Soberano na mga puna sa pagkakapili sa kanya upang gampanan ang role na 'Darna', subalit tanggap at nirerespeto raw niya ang kanilang pananaw.

"I respect their opinion. Hindi naman natin hawak ang lahat ng tao, but I will show them that I am fit to be Darna," ani Soberano.

Dinepensahan naman siya ng 'Darna' director na si Erik Matti mula sa mga basher na nagsasabing hindi siya bagay na maging 'Darna'.

"She is the right choice in terms of beauty, and she can train well. Watch out for her!" sabi ni Matti. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.