PANOORIN: Piolo, gaganap bilang ulirang ama sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 02:21 PM

 

Matapos ang ilang taon, muling magbabalik sa "Maalaala Mo Kaya (MMK)" ang aktor na si Piolo Pascual

Gagampanan ng aktor ang buhay ng tatay na si Ryan Arebuabo na nag-viral matapos siyang makuhaan ng larawan na nanonood lamang habang pinapakain ang kanyang mga anak sa isang fast food restaurant. 

Sa kanyang Instagram, ibinahagi rin ni Piolo ang trailer ng espesyal na episode ng "MMK" na nagpapakita ng walang pag-iimbot na pag-ibig at pagkalinga ng isang ama.
 
Sa direksyon ni Dado Lumibao, ipapalabas ang espesyal na episode ng "MMK" para sa Araw ng mga Ama ngayong Sabado, Hunyo 17, pagkatapos ng "The Voice Teens." 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.